Alden at Maine copy

HINDI na mabilang ang campaign rally na nadaluhan at napakinggan namin. Mula rito sa Tondo, lalo na sa Distrito Uno, sa Quezon City, Caloocan at hanggang sa Batangas ay napuntahan namin at napakinggan ang mga plataporma ng national at local candidates.

May mga namumulitika lang talaga at halatang wala sa loob ang pagtakbo pero meron din namang seryoso at tapat kaya ginagawa ang lahat para manalo. Pero may mga kandidato talaga na wala na ngang laman ang mga pinagsasabi sa entablado at puro pa paninira sa kalaban ang mga sinasabi.

Kapansin-pansin din na may mga tumatakbong kandidato, lalung-lalo na ‘yung mga nasa local na posisyon, na ginagamit ang mga sikat na artista. May sadyang nag-iimbita ng mga taga-showbiz na kahit hindi gaanong kilala ay dinudumog pa rin ng mga tao lalung-lalo na sa probinsiya na bihira lang mabisita ng mga artista. 

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ang gamit na gamit sa mga campaign rally ay ang AlDub na banggitin lang ng emcee ang pangalan ng magka-love team ay tilian na ang maririnig mo, huh!

Kaya hindi kataka-taka na may ilang kandidato na ginagamit ang larawan ni Alden Richards na halata namang idinikit lang para magmukhang katabi ng kandidato sa kanilang tarpaulins. Lahat ng gumagamit sa AlDub ay walang permiso.

Nakakita pa nga kami sa Bulacan ng tarpaulin ng isang kandidato sa local na posisyon na inilagay sina Maine Mendoza at Alden na para bang iniendorso siya. Kaya ganoon na lang ang hinanakit ng grupo ng fans ng dalawa dahil sa pagkakaalam nila ay wala namang iniendorsong kandidato ang AlDub.

Kaya ang pakiusap ng taong malapit kay Alden na natsikahan namin, sana raw ay huwag silang gamitin sa pangangampanya. Kumbaga, para lang makakakuha ng boto at manalo ay manggagamit ng isang artista na hindi naman sila kilala ng personal, huh! (JIMI ESCALA)