SAN ISIDRO, Nueva Ecija – Isang 31-anyos na tindero ng manok na may kawing-kawing na kasong kriminal ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad matapos ang matagal na pagmamanman sa kanya.

Si Marvin “Mata” Dionisio, ay nakorner ng San Isidro Police Tracker Team sa manhunt operation sa pinagtataguan nito sa Barangay Poblacion.

Pinangunahan ni PO3 Michael Santiago, ng Warrant Section, ang pag-aresto kay Dionisio sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Celso O. Baguio ng Regional Trial Court (RTC) Branch XXXIV ng Gapan City, sa kasong frustrated homicide at attempted homicide. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog