Binuksan sa publiko ng Instituto Cervantes, katuwang ang Embahada ng Spain at pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines, ang libreng pagpapalabas ng mga pelikulang Espanyol tuwing Sabado sa buong buwan ng Mayo.

Simula Mayo 7, alas kuwatro ng hapon, ipapalabas sa FDCP Cinematheque sa T.M. Kalaw St. sa Ermita, Manila ang “Those Funny Spaniards. Four Spanish Comedies.”

Samantala, inaanyayahan ng Instituto De Cervantes-Manila at Ayala Foundation ang publiko na makibahagi sa iba’t ibang aktibidad gaya ng pamamahagi ng libro at pagbabasa nang libre sa The Book Stop library sa Ayala Triangle sa Mayo 5, 6 at 7.

Tampok dito ang Open Mic Poetry Night na magkakaroon ng pagbasa ng mga tula, pagtalakay sa libro sa “What Am I Doing Here? A Talk on Travel writing” at “Blind Date with a Book”, na magpapalitan ng libro ang mga dumalo.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Libre ngunit first-come-first serve basis ang panonood at pagdalo sa mga nabanggit na event, abiso ng Instituto De Cervantes-Manila. (Mac Cabreros)