SERYE ng walong aklat ang nailatag ni J.K. Rowling sa mundo ng mga mambabasa at manonood nang bigyang buhay niya ang Harry Potter. Dahil dito’y nakilala ang mga karakter nina Hermione Granger, Lord Voldemort, Ron Weasley, at iba pa.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, hindi lamang pala sa mahika at spells may mahusay ang mga nagsiganap sa nasabing serye. Isa na rito si Josh Herdman na kinilala sa kanyang karakter na Gregory Goyle, ang pinagkakatiwalaang tenyente ni Draco Malfoy, na ginampanan naman ni Tom Felton.

Ipinanganak si Herdman sa Hampton, England sa mga magulang na sina Martin at Jessica Herdman. Siya ang pinakabata sa apat na anak na lalaki. Nagsimula ang kanyang acting career sa kadahilanang ang kanyang ama’y isa ring aktor. Nakuha niya ang kaniyang big break nang mag-audition siya sa Harry Potter and the Sorcerer’s Stone.

Sa kasalukuyan, unti-unti nang nagiging maugong ang pangalan ni Josh sa larangan ng MMA. Noong nakaraang linggo, natalo niya ang kanyang kalabang Polish na si Janusz Walachowski na ginanap sa City Pavilion sa Romford, east London.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Ayon sa interview sa kanya ng Mirror.co.uk, limang taon na siyang nag-eensayo ng tradisyonal na Japanese jujitsu at siya ngayon ay may taglay na shodan black belt.

Dagdag pa ni Herdman, “It’s raw, exciting and unpredictable. I find it more interesting than boxing although I appreciate the beauty and art in boxing. It also made sense to move onto MMA because of my jujitsu training.”

Ngunit kahit may bago siyang career ngayon, sinabi ni Josh na hindi niya tuluyang tatalikuran ang pag-arte. Ikinumpara lamang niya ito sa pagtaya sa lotto.

Sa interview sa kanya ng Addicted MMA website, ang sabi ni Herdman: “I haven’t fallen out of love with it. I still have an agent and still go for auditions. It’s just a little bit like playing the lottery for a living. I don’t see it so much as a career change, I am passionate about both acting and fighting.” (JAMIE ROSSEDITT P. GARCESA)