Gerald at Bea (PLEASE CROP copy

SITSIT ng source namin na nasa storycon ng Star Cinema para sa pelikula nina Bea Alonzo at Gerald Anderson ay may ilangan factor nang magharap ang dalawa, pero kalaunan ay naging okay na at nakitaan ng kilig ang dalawa habang pinag-uusapan ang kuwento ng gagawin nilang project na ididirek ni Dan Villegas.

Sabagay, may nakaraan kasi sina Bea at Gerald na kami ang nagbuking dito sa Balita ilang taon na ang nakararaan, di ba, Bossing DMB? (Korek! --DMB) Kasi naman dumaan sila sa harap namin habang kumakain kami sa restaurant noon na pinalitan ngayon ng Grub sa ELJ Building.

Hindi nga lang sila nagtagal dahil pinagbawalan sila noon at maraming may ayaw dahil nga hindi pa nakaka-move on noon ang fans nina Gerald at Kim Chiu.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Iba ang tingin ni Gerald kay Bea kumpara sa tingin niya kay Yen (Santos) na same day nag-storycon din para sa Because You Love Me (serye),” sabi pa ng kausap namin.

May ganu’ng obserbasyon talaga? Sabagay, inamin ni Gerald mismo sa presscon ng bagong serye nila nina Yen at Jake Cuenca na kapag minahal niya ang isang tao ay hindi nawawala ang pagmamahal dahil nandoon na at nagki-care pa rin siya sa taong iyon.

Hmmm, puwede namang ibalik ang kahapon tutal hindi na siguro bawal. Parehong single ngayon sina Bea at Gerald at higit sa lahat, matured na sila pareho at pareho nang stable. What do you think, Bossing DMB? Alam ko, may concern ka lagi sa aktres kapag mabait at nagiging paborito mo. 

(A, e, sumuko na ba si John Lloyd? Joke lang! --DMB) (REGGEE BONOAN)