Sunshine copy

PABALIK na sa Pilipinas si Sunshine Cruz galing sa abroad for a taping ng isang show na ayaw niya munang ipabanggit dahil iyon ang bilin ng producer sa kanya. Pero kahit nasa eroplano pa lang si Shine ay nababasa na niya mula sa link na ipinadala sa kanya ng mga taong concern ang mga sinabi ng dating asawang si Cesar Montano. 

“Ang sabi niya, he has the right to see the kids. Kids are big enough to decide if they want to see him, Kuya Jimi.

Bakit nga ba sa akin napunta ang full custody ng mga bata? Baka may matinding dahilan, di ba?” sabi ni Sunshine.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag pa niya, wala namang dapat ikabahala si Cesar sa mga anak nila dahil maayos ang kalagayan ng mga ito at maging ang pag-aaral ay maayos niyang nasusubaybayan.

“Kids are fine. We are fine. Nananahimik na nga, eh. Sinusubukang manahimik pero ayaw niyang tumigil. Kids are happy, excelling and not at all bothered and traumatized unlike before. Sana patahimikin na lang muna niya kami at tigilan na ang pag-iingay sa media,” banggit pa rin ng aktres. 

Alam naman daw niyang mahal pa rin ni Cesar ang mga bata kaya sana raw huwag na silang idamay ng aktor sa mga interbyu sa kanya. 

“If and when the kids decide to see him, irespeto niya at hintayin na lang niya. Focus na muna siya sa ibang mga anak niya at sa pagtakbo niya ulit sa pulitika at sa mga darating pa niyang trabaho. Who knows all of these will make him realize that maybe siya ang may mali kaya naging ganyan ang sitwasyon,” sey pa ni Sunshine.

Ikinadismaya ni Sunshine na parang isinumbat pa raw ng dating asawa ang ibinigay na tuition fee para sa mga bata. 

“Kailangan niyang mag-ingay at gumamit sa mga bata. Ang pathetic lang niya para isumbat ang tuition fee ng kids,” sey pa rin ng aktres. 

Hindi itinanggi ni Sunshine ang ibinigay ni Cesar para sa tuition fee ng mga anak nila.

“Ni minsan ba naisip din niya kung nakakain nang maayos ang mga bata at may matutuluyang maayos na bahay? ‘Wag niya ako pasamain kasi paano na lang kung dahil sa drama niya masira ako at mawalan ng work. Ano ang ipapakain ko sa mga anak namin?” tanong ng aktres.

Pakiusap ni Sunshine sa dating asawa, sana raw ay tigilan ng actor ang pagbanggit sa mga anak nila.

“I hope he stops mentioning the kids. Hindi siya kinakawawa o kawawa. If in his heart po masama ang loob niya sa utos ng korte na siya ang magbayad sa tuition then ‘wag niya gawin kesa naman banggit siya nang banggit na siya ang nagpapaaral ng kids.

“‘Di naman napapatunayang mabuti ka ngang ama dahil lang sa ikaw ang nagbabayad ng tuition. There is more to that if you are a responsible parent to your children,” pagtatapos ni Ms. Sunshine Cruz. (JIMI ESCALA)