Isang 40-anyos na construction worker ang tuluyang binawian ng buhay sa kanyang ikalimang suicide attempt sa Tondo, Manila nitong Miyerkules ng hatinggabi.

Kinilala ni Chief Insp. Robinson Maranion ng Manila Police District (MPD) Station 1, ang biktimang si Eduardo Liliatco, 40, residente ng 61 Romana Extension, Magsaysay Village, Tondo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pagbibigti ng biktima pasado 12:00 ng hatinggabi sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto.

Ayon kay Dina Liliatco, 45, asawa ng biktima, bago natuluyan ay apat na beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktima dahil sa problemang pinansiyal at sa pamilya.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Tumanggi naman si Dina na paimbestigahan pa sa pulisya ang pagkamatay ng mister sa paniniwalang walang foul play na naganap.

Nabatid na idineklarang dead on arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktima dakong 12:30 ng madaling araw, kahapon. (Mary Ann Santiago)