Manny 2 copy

NAKAKATAKOT naman ang ibinalita ni President Noynoy Aquino na binalak ding kidnapin ng NPA si Cong. Manny Pacquiao, ang isa nitong anak, at si Kris Aquino at ang isa rin niyang anak.

Hindi binanggit ni PNoy kung sino sa mga anak ni Manny at kung sino kina Josh at Bimby ang pinagplanuhang kidnapin ng NPA, pero nakakatakot. Nagwo-worry ang fans ni Kris lalo’t sumasama siya sa kampanya ng Liberal Party.

Ang payo ng fans ni Kris sa kanya, mag-ingat at kung puwede ay huwag na siyang masyadong magsasama sa kampanya lalo na sa malalayong probinsiya. (Nitz Miralles)

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas