SANTA IGNACIA, Tarlac – Sampu katao ang nasugatan nang magkarambola ang limang behikulo sa highway ng Sitio Maserpat, Barangay Vargas, Santa Ignacia, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni PO3 Geoffrey Villena Enrado, kinilala ang mga biktima na sina Dennis Lambinicio, 30, driver ng Kawasaki Bajaj tricycle na may plate number RI-8579, ng Bgy. Telbang, Camiling, Tarlac; Divine Rose Lambinicio, 5; Jelly Tomas, 21, ng Bgy. Nambalan; Stephanie Baldelomar, 25, ng Bgy. Pilpila; Angelic Tomas, 2; Jasmine Baldelomar, 5; Rhogielyn Tomas, 4; Gemma Versoza, 51; Rosana Tomas, 50; at Glenn William Ruiz, 13, lahat ay residente ng Santa Ignacia, Tarlac.

Ang iba pang behikulo na sangkot sa banggaan ay ang Hyundai Santa Fe sports utility vehicle (SUV) na may plate number MGE- 939, minamaneho ni Monce Rodrigo, 60, negosyante, ng Bgy. Pugo-Cecilio, Santa Ignacia, Tarlac; PNP Patrol motorcycle (Kawasaki Wind, CJ- 5103), minamaneho ni PO1 Oskar Guting; Mitsubishi Montero SUV, walang plate number, minamaneho ni Rod Bacod, 43; at kotseng Toyota Vios (NVO-258), minamaneho ni Meleton Sebastian, 59, ng Poblacion Sur, Camiling, Tarlac.

Dakong 3:15 ng hapon nitong Miyerkules, patungo ang Hyundai Santa Fe sa hilaga at huminto sa police checkpoint ng Santa Ignacia Police Station. Nakalinya sa likod nito ang Kawasaki Bajaj na aksidenteng nabangga ng kasunod na Toyota Vios, hanggang sa magkarambola sa likuran ang iba pang sasakyan.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Patuloy ang imbestigasyon ng traffic section ng Santa Ignacia Police Station sa insidente. (Leandro Alborote)