MARIAN_pls crop copy

NGAYONG tanghali ang presscon ni Marian Rivera para sa sisimulan niyang morning show sa May 2, 10:45 AM., sa GMA-7 na Yan Ang Morning.

Maraming segments ang show na magugustuhan ng viewers, isa na rito ang pagluluto ng celebrity guest at dito malalaman kung sino sa mga celebrity ang talagang marunong magluto.

May interaction din si Marian with her fans sa cooking segment, na isang lucky viewer ang pipiliing tumulong sa pagluluto.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Magtuturo rin ng sayaw si Marian, maghihikayat sa viewers na mag-exercise at may DIY o Do It Yourself siya na magagamit ng mga mommy at mga taong nasa bahay.

Sa ipinalalabas na teaser, nakitang may interview si Marian kina LJ Reyes, Katrina Halili, Sancho Vito at Ai-Ai delas Alas. Guest din ni Marian ang mom-in-law niyang si Mrs. Angeline Dantes. Mamaya sa presscon malalaman kung anong episode sila lalabas.

Co-host ni Marian si Boobay at napag-usapan nila si Baby Zia at sabi ni Marian, “The mere fact na nagkaroon ako ng Zia sa buhay ko, ‘yon pa lang pinagpapasalamat ko na sa Diyos. More to come pa ‘yon.”

Samantala, nakikipagsabayan si Baby Z sa paramihan ng likes sa parents niya. As of the latest count, may 61,651 likes na ang cover ni Baby Z ng Yes! at puro maganda ang comments. Marami rin ang bumibili ng magasin na cover si Baby Zia at inaabangan na ang airing ng kanyang first TVC.

Sa presscon mamaya, malalaman din kung ano ang gagawin nina Marian at Dingdong Dantes kay Baby Z dahil pareho silang magiging busy. Si Dingdong, sa taping ng Encantadia at si Marian sa taping ng Yan Ang Morning at fantaserye.

(Nitz Miralles)