“Maghain kayo ng reklamo.”

Ito ang payo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista sa mga pumapalag sa umano’y iregularidad sa proseso ng overseas absentee voting (OAV).

“If this is true, this is worrisome, since they were saying that the vote for X is being given to Y,” pahayag ni Bautista sa panayam ng media. “Our challenge or our call to those saying these things is to file a formal complaint.”

Hinikayat din ng Comelec chief ang mga nakatanggap ng impormasyon sa umano’y dayaan sa OAV na maghain ng reklamo sa Board of Election Inspector (BEI).

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Una nang kinuwestiyon ng vice presidential candidate na si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang umano’y mga discrepancy sa proseso ng OAV, dahil ang kanyang boto ay napupunta umano kay Sen. Gregorio “Gringo” Honasan.

(Leslie Ann G. Aquino)