Julia Montes (2) copy copy

HUWAG palampasin si Julia Montes kasama ang iba pang cast ng nangungunang serye sa hapon na Doble Kara na magbibigay saya at magpapaabot ng taos-pusong pasasalamat sa mga tagasubaybay ng kanilang serye sa Bulacan at Cavite.

Ngayong Biyernes, 1:00 pm, makisaya at maki-bonding kasama sina Julia, Markki Stroem, at Alora Sasam sa SM San Jose Belmonte. Pupunta at magdadala rin ng good vibes sina Julia at Alora kasama naman sina Maxene Magalona, Edgar Allan Guzman, at Anjo Damiles sa SM Trece Martires ngayong May 13.

“Sa loob ng walong buwan, naramdaman ko po talaga ‘yung journey ng kambal at yung suporta ng mga tao,” saad ni Julia. “Marami pa po kayong dapat abangan sa bagong yugto ng buhay ng kambal ngayong may anak na sila.”

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Mas kaabang-abang ang kuwento sa nangungunang hapon serye ngayong pareho nang magkakaroon ng sariling pamilya ang kambal. Ngunit habang si Kara ay masaya kasama ang asawa’t anak na si Sebastian (Sam Milby) at Hannah, mag-isa namang itataguyod ni Sara ang anak niyang si Becca matapos siyang talikuran ni Edward (Edgar Allan Guzman).

Ang pagkakaroon kaya ng pamilya ang makapagbuklod sa magkapatid o magpatuloy pa rin kaya ang kanilang hidwaan at mas lalong tumindi ang kanilang galit para sa isa’t isa?

Huwag palampasin ang panibagong kabanata ng Doble Kara, tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).