PANIQUI, Tarlac - Arestado ang isang 31-anyos na binata matapos niyang suntukin sa mukha ang secretary ng Barangay Cariño sa bayang ito makaraan siyang pigilan nitong makipagsayaw.

Kinilala ni PO3 Augusto Simeon ang suspek na si Jayson Lomboy, ng Bgy. Cariño, Paniqui, na inireklamo sa pananapak kay Exceller Estocarpio, 36, barangay secretary.

Nauna rito, nasa Barangay Public Plaza ang lasing na suspek at natipuhan niyang isayaw ang magandang crowner ng Joe Caranto Orchestra, pero pinigilan siya ng mga opisyal ng barangay, partikular na si Estocarpio, na emcee sa sayawan.

Dahil dito, nagwala si Lomboy at sinuntok si Estocarpio. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog