Anim na proseso lang ang dapat tandaan ng mga maghahalal ng mga bagong opisyal ng bansa sa Mayo 9, 2016.

Sa infomercial ng Commission on Elections (Comelec) na napanood nitong Linggo, bago ang pagsisimula ng ikatlo at huling presidential debate sa ABS CBN sa Pangasinan, idinetalye ang anim na simpleng gagawin ng mga botante:

1. Alamin ang voting center at polling precinct sa voters’ list o sa www.comelec.gov.ph.

2. Pumila sa holding area ng iyong presinto. Lumapit sa Board of Election Inspector (BEI) at sabihin ang iyong pangalan at voting precinct number.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

3. Hingin ang balota, folder, marker at dumiretso sa voting area.

4. Ipasok ang balota sa vote counting machine.

5. Magpalagay ng indelible ink sa daliri at kunin at suriin ang voter’s receipt na ibibigay ng BEI

6. Ihulog ang resibo sa voter's receipt receptacle o sa kahon na nakatalaga para rito.

Sa nakalipas na mga linggo ay pinaigting ng Comelec ang voter’s education information nito, sa pakikipagtulungan ng mass media, mga shopping mall, at mga terminal ng transportasyon.

“We want voters to come to the voting centers informed because we are really intent on making the voting process convenient for everyone, especially for those with limited mobility,” sabi ni Comelec Chairman Andres Bautista.

(Leslie Ann G. Aquino)