Jeric copy

SAYANG at pinaalis agad ng GMA Artist Center si Jeric Gonzales after ng Q&A sa presscon ng Once Again. Hindi na na-interview ang aktor dahil iniiwas siyang matanong tungkol sa kumalat na sex video niya.

Pero may paraan sana para masagot ang isyu na hindi lalabas na masama ang aktor. Gaya na lang ng ginawa ni Joross Gamboa na idinaan sa biro ang isyu, kaya mabilis lumamig ang eskandalo.

Mga Pagdiriwang

National Coming Out Day, paano nga ba nagsimula?

Bago ang mabilis na pagkawala ni Jeric sa venue, napag-usapan muna ang role niya sa primetime series na magsisimula sa May 2.

“Ang role ko rito ay kapatid ni Aljur (Abrenica) na magkakagusto sa soulmate niyang si Janine Gutierrez. Very close ang role kong si Jared sa role ko sa Destiny Rose. Nagpa-haircut ako para maiba ang hitsura ko sa Destiny Rose,” sabi ni Jeric.

Naalala tuloy namin na nakasalubong namin si Jeric sa GMA Network after ng pictorial niya sa Once Again. Nabanggit niyang masaya siya dahil may kasunod siyang show pagkatapos ng Destiny Rose. Aniya, gagalingan niya ang acting niya para hindi siya mapahiya at makasabay sa mga kasama. (Nitz Miralles)