SA edad na 51, tuloy ang pangarap ng former sexy actress na si Jenny Guinto, a.k.a Jenny Varga, na makamit ang titulong Mrs. Universe sa 2016 Mrs. Universe Pageant na gaganapin sa China simula Agosto 29 hanggang Setyembre 6.

Beterana si Jenny sa beauty pageants dahil kalahok siya sa Bb. Pilipinas noong 1983 at sa Ms. Philippine Pacific na siya ang naging 4th Runner-up. Aniya, pagkatapos ng beauty pageants na nasalihan niya, isinabak na siya sa showbiz ng kanyang kaibigan at mentor na si Vir Mateo. Bilang Jenny Varga, introducing ang billing niya sa isang pelikula ni Muhammad Faisal. At nagtuluy-tuloy na ang kanyang career bilang artitsa.

Naging paborito siyang leading lady ng kilalang action stars noong dekada otsenta. Bukod kay Muhammad Faisal, nakatrabaho rin niya sina Anthony Alonzo, Rey Malonzo at Ramon Zamora. Abrakadabra ang huling pelikula niya kasama ang Comedy King na si Dolphy.

Napasali rin siya sa ilang sexy films tulad ng Flesh Avenue kasama si Jaclyn Jose at Hiram Na Katawan.

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika

“May mga offer sa akin noon mag-leading lady pero kailangang mag-bare na, eh, hindi ko lang kaya,” pagbabalik-tanaw ni Jenny.

Hindi rin niya makakalimutan ang role niya sa ilang international films tulad ng Cruel Horizon at lalung-lao na ang A Case of Honor dahil noon niya nakatrabaho ang Hollywood actor na si Timothy Buttoms.

“Parang isa ako sa mga leading ladies doon. Naalala kong nakikipagbarilan ako mula sa helicopter. Pero siyempre hindi na ako ‘yun dahil takot ako. Nag-aral pa ako ng konting martial arts para sa pelikulang ‘yun,” pahayag niya.

Sa muling pagsali niya sa beauty pageant, pangarap niyang ipagpatuloy ang pag-aartista. Nais niyang gumanap ng mother roles at kontabida roles. Pangarap niyang magtuluy-tuloy na ang acting career niya.

“Pagod” na rin siya sa pagiging negosyante at guro sa Japan kaya nais na niyang manatili sa Pilipinas. Sampung taon siyang namaligi roon bagamat pababalik-balik siya sa ating bansa. At ang pagiging beauty contestant ang isa sa stepping stones niya para makabalik sa showbiz.

Bilang kinatawan ng Pilipinas sa nalalapit na 2016 Mrs. Universe, may TV appearances na naka-schedule para sa kanya ayon kay Gareth Blanco, ang National Director at franchise holder ng Mrs. Universe sa Pilipinas. Kapapanayamin din si Jenny sa ilang radio talk shows bago siya lumipad tungong China.

Sa ngayon, isa sa mga preparasyon ni Jenny ang toning ng kanyang katawan. Aniya, para sa mga ina ang pagsali niya sa Mrs. Universe. Gusto niyang ibahagi na kahit isa ka nang ina, hindi dapat magpabaya sa katawan at tuloy pa rin ang pagkamit ng mga pangarap!