janario copy

Ipinamalas ni Karen Janario, survivor ng typhoon ‘Yolanda’, ang kahandaan at katatagan para makopo ang isang ginto at isang silver medal sa katatapos na 11th SEA Youth Athletics Championships sa Thammasat University Sports Complex sa Thailand.

Sa mensahe ni national coach Jojo Posadas sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), nagwagi ang 16-anyos na miyembro ng University of Santo Tomas sa UAAP sa 200m run at pumangalawa sa 100m hurdles.

Tinakbo ng Rookie of the Year at MVP sa UAAP athletics ang 200m dash sa tyempong 25.43 upang gapiin si Thi My Tian Huynh ng Vietnam (25.51). Ikatlo si Kedmanee Jamyamitri ng Thailand sa 25.54 segundo.

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

Kinapos si Janario sa una nitong nilahukang 100m hurdles sa isinumiteng tiyempo na 14.77 at natalo ito kay Thi My Tien Huynh ng Vietnam (14.23). Pumangatlo si Padtamawan Riyaphan ng Thailand (14.88).

Nakapag-uwi rin ang Team Philippines ng isang tansong medalya sa 800m run mula sa isa pang miyembro ng dating Leyte Sports Academy at Yolanda survivor din na si Feiza Jane Lenton, na nagtala ng 2:21.37 segundo. Nagwagi ng ginto si Thi Thuy Hanh Pham ng Vietnam (2:14.93), at ikalawa si Sukumal Panphiboon ng host na Thailand (2:18.91).

(ANGIE OREDO)