Sinentensiyahan ng Sandiganbayan si dating Development Bank of the Philippines (DBP) Chairman Vitaliano Nañagas II ng hanggang 36 na taong pagkakakulong dahil sa kasong graft at estafa.

Sa 36-pahinang resolusyon na isinulat ni Presiding Justice Ampara Cabotaje-Tang, sinentensiyahan ng Sandiganbayan si Nañagas na makulong ng 10 taon para sa kasong graft at 26 na taon para sa two counts of estafa.

Ipinag-utos din ng anti-graft court kay Nañagas na isauli sa gobyerno ang halagang P377,040.

Ito ay matapos igiit ng prosekusyon ng Office of the Ombudsman na pinaghalo ni Nañagas ang kanyang personal na negosyo sa kanyang official travel itinerary gamit ang pondo ng bayan.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Sinabi ng mga testigo sa kaso na noong Mayo 22-Hunyo 8, 2004, nasa official trip sa Amerika si Nañagas nang asikasuhin nito ang personal na negosyo sa naturang bansa.

Nang i-reimburse ang ginastos sa biyahe, lumitaw na namili ito ng personal na gamit, tulad ng underwear, lingerie, jersey short at iba pang panregalo na umabot sa P310,665.

Hiniling din ni Nañagas na ma-reimburse ang kanyang ginastos dito sa Pilipinas na umabot sa P66,374 bagamat siya ay nasa Amerika nang mga panahong iyon.

“The accused also employed deceit in his claims for reimbursement stating that the expenses were authorized, lawful, necessary and incurred in the discharge of official duties when in fact, some of his expenses were used for personal matters in the USA, and that some of the expenses were incurred in the Philippines while he was still in the USA,” ayon sa resolusyon ng Sandiganbayan. (Jun Ramirez)