Rafael Nadal

BARCELONA, Spain (AP) — Naisaayos nina Rafael Nadal at Japanese star Kei Nishikori ang championship match sa Barcelona Open matapos makalusot sa kani-kanilang semi-final duel nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Ginapi ni Nadal si Philipp Kohlschreiber ng Germany 6-3, 6-3, para makausad sa finals sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 2013 kung saan naitala niya ang record na walong titulo.

Pinataob naman ni Nishikori, two-time defending champion, si Benoit Paire ng France 6-3, 6-2.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tangan ni Nadal ang 8-1 bentahe sa head-to-head duel kay Nishikori.

“I will have to play my best,” pahayag ni Nishikori.

“It’s been great these three years here so I hope I can play a great match tomorrow,” aniya.