Maine Mendoza

Ni REGGEE BONOAN

HINDI ba type ni Maine Mendoza si Jennylyn Mercado?

May nag-forward kasi sa Twitter account namin ng screenshot ng account ni Maine Mendoza na nag-comment siya, @mainedcm, “@kuhletkismet Lam mo yung One Night Only ba ‘yun? Si Jennilyn Mercadowwww.  Ganon, ampanget nga eL” at ipinost ito ng ka-loveteam ni Alden Richards noong 12/26/09 (December 26, 2009) sa ganap na 6:23 AM.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Kaagad ipinagtanggol si Jennylyn ng supporters niya tulad ng Jennylyn Defenders na nagsabing, “Karma is coming. Kung gaano kabilis ka sumikat, ganun ka rin kabilis lalagpak.  We love you Jennylyn!” 

Sinegundahan ito ng iba pang fans ng aktres.

Anim na taon na ang nakararaan pero nahalukay pa rin ito ng loyalistang supporters ni Jennylyn dahil siguro nakarinig sila ng feedback at narinig din namin na dapat ay si Maine ang leading lady ni Alden sa My Love For The Star.

Matagal na pala kasing inuungot ng AlDub fans ang remake ng Pinoy version ng naturang koreanovela at sa katunayan ay gumawa sila ng trailer para rito noon pang nakaraang taon.

Ang nasabing video clips na binuo ng fans ay mula sa music video ni Alden at sa debut video ni Maine.

 Anyway, dapat makuntento ang AlDub fans na may gagawin namang pelikula sina Alden at Maine para hindi na sila magtampo. At saka mas bagay ang papel na Steffi Cheon kay Jennylyn kumpara kay Maine.