Prioridad ni 1Pacman Party-list nominee Dr. Mikee Romero ang pagbibigay ng scholarship sa libu-libong estudyanteng maralita sa bansa.

Isa sa mga ito si Giovannie Panganiban, 32, ng Cainta, Rizal, na nagtatrabaho sa business process outsourcing (BPO) industry na nagpahayag ng kanyang pasasalamat kay Romero dahil sa scholarship program na ipinagkaloob nito.

Nag-aaral noon si Panganiban ng psychology sa Far Eastern University (FEU) nang mabalitaan ang scholarship ni Romero kaya nag-apply siya at mapalad na natanggap sa programa.

Numero 25 sa balota, itinalaga ng 1Pacman Party-list si Romero bilang nominee upang isulong ang sektor ng sports, education at labor sa bansa.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nanawagan si Panganiban sa mga botante na suportahan ang 1Pacman Party-list upang mapalakas pa ang sektor ng edukasyon sa bansa. - Robert Requintina