Patay ang isang 40-anyos na ginang matapos siyang malunod habang sinasagip ang kanyang anak sa isang ilog sa Barangay Balwarte, Santiago City, Isabela, nitong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Belinda Macadangdang, ng Purok 4, Barangay Mabini, Santiago City. Natagpuan ang bangkay ni Macadangdang na palutang-lutang sa ilog isang oras matapos siyang malunod.

Napag-alaman din ng mga imbestigador na nagpi-picnic si Macadangdang, kasama ang kanyang mga kaanak, nang matanaw niya na nalulunod ang kanyang anak sa ilog.

Pinaniniwalaang lango sa alak, nasagip ni Macadangdang ang kanyang anak subalit tinangay naman siya ng malakas ng agos ng ilog at tuluyang nalunod. - Freddie G. Lazaro

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20