Steph Curry

HOUSTON (AP) — Nais makasiguro ng Golden State na walang magiging balakid sa kanilang kampanya sa playoff. At kailangan nila ang pangunahing Warrior na si Stephen Curry para masupil ang Houston Rockets.

Inilagay ng Warriors coaching staff sa line-up si Curry bilang “probable” sa Game 4 ng kanilang Western Conference first round playoff laban sa Houston sa Linggo (Lunes sa Manila).

Nagtamo ng pinsala sa kanang paa ang reigning MVP sa Game 1. Hindi siya nakalaro sa sumunod na dalawang laban, kabilang ang kabiguan sa Game 3 kung saan nakadikit ang Rockets sa serye sa 2-1.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Iginiit ni Steve Kerr na inaasahan niyang makalalaro na ang premyadong Warriors All-Star.

Nakasama na si Curry sa 5-on-5 scrimmage ng koponan nitong Sabado at nagpahayag ng kahandaan para sa pagbabalik sa court.

Ayon kay Curry, hindi na masyado kumikirot ang kanyang paa sa kanyang pagkilos at sa pag-dribble habang nagpapalit ng direksyon.

“I can deal with a little discomfort that comes along with it as long as it feels stable,” pahayag ni Curry, liyamado para sa ikalawang MVP trophy.