AIKO copy

MUKHANG natagpuan na ni Aiko Melendez ang lalaking mamahalin niya, si Shahin Alimirzapour na buong pagmamalaki niyang ipinost sa kanyang Instagram account.

Kay Aiko mismo namin nalaman na mas may edad siya sa Persian businessman na nakilala niya sa pamamagitan ng isang kaibigan.

Hindi ipinagdamot ikuwento sa amin ni Akikay kung paano sila nagkakilala ng bagong inspirasyon niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Nagkakilala kami sa party ng kaibigan kong si Angel (Santos). Siya mismo ang nagpakilala sa akin,” sey ni Aiko nang kontakin namin.

Sa huli raw nito itinanong ang kanyang Facebook account.

“Siyempre, hindi ko naman basta-basta na lang ibigay agad sa kanya ang number ko. Pero he messaged me sa Facebook account ko, but it took days before I read his message,” sabi ng premyadong aktres.

Paliwanag ni Aiko, bihira lang kasi siyang magbasa ng private messages sa Facebook niya.

Itinanong at hiningi ni Shahin ang contact number niya at nang ibigay daw niya ay sunud-sunod agad ang text messages na natanggap niya.

So, si Shahin na nga ba ang bagong magpapatibok sa kanyang puso?

“Well, we can only hope for the best,” dagling kasagutan ni Aiko na tuluyan na yatang tinalikuran ang pulitika.

Kuwento pa niya, nagkakilala na si Shahin at ang anak niyang si Andre. Pero naniniwala si Aiko na kailangan pa niyang makilala nang husto ng pamilya niya si Shahin.

“I guess Shahin needs to spend more time and proving to my family. We are taking things with prayers. Muslim siya but he prays also to our God and as far as I know him, he is a religious person,” banggit pa ni Aiko.

Isa sa mga ikinatuwa ni Aiko ang pagluluto ni Shahin para sa kanya at siyempre Persian cuisine ang mga ito.

“’Yung attraction ko sa kanya hindi ‘yung instant. Sabi pa nga niya sa akin, eh, may pagkaisnabera raw ako. Kumbaga, I’m not easy raw,” banggit pa ng aktres. (JIMI ESCALA)