MATAAS NA KAHOY, Batangas – Anim na guro, kabilang ang isang school principal, ang napaulat na nasawi habang nasa 38 naman ang nasugatan makaraang sumalpok sa puno ang sinasakyan nilang tourist bus sa Mataas na Kahoy, Batangas, kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Grace Replan, principal ng Doña Justa Guido Memorial School; Zenaida Bautista; Virginia Sabeniano; Karina Untalan; Evangeline Sibal; at Christina Cariman.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:30 ng umaga, habang binabagtas ang kalsadang sakop ng Barangay San Sebastian ay aksidenteng nadulas sa open canal ang tourist bus habang patungo sa Shercon Resort sa nasabing bayan.

Napaulat na sumalpok sa isang puno ang bus (DWX-480) na minamaneho ni Christopher Plando, at kinalululanan ng 49 na guro ng iba’tibang eskuwelahan sa Rizal.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Isinugod ang mga biktima sa San Jose District Hospital sa San Jose, Batangas, sa Lipa Medix and Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa City.

Lima naman sa mga pasahero ang hindi nasaktan sa insidente, ayon sa pulisya. (LYKA MANALO)