Nakatakdang makuha ng GlobalPort sina guard Karl Dehesa at rookie Michael DiGregorio sa four-player trade sa Mahindra.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, nagkasundo na ang dalawang panig kung saan mapupunta sa Mahindra sina Paolo Taha at Jonathan Uyloan.

Kapwa natsugi sa playoffs ng OPPO-PBA Commissioner's Cup ang dalawang koponan.

Sina Taha at Uyloan ang kapalitan sa matikas na tambalan nina Stanley Pringle at Terrence Romeo sa Batang Pier, ngunit mananatili ang lakas ng backcourt ng Global sa presensiya ni Roi Sumang na nasa reserved list.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Matikas naman ang performance ni Dehesa sa nakalipas na dalawang taong paglalaro sa liga kung kaya’t maraming koponan ang interesado sa kanya.

Ayon sa source, ang trade ay simula lamang ng lipat bakuran ng ilang player.