KC-Piolo copy

SA wakas, moving on na ang dating magkasintahan na sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Malaya silang nagkikita at nagbabatian sa tuwing nagkakasalubong sa papunta o palabas sa kani-kaniyang dressing room sa ASAP.

Good sign na wala na ang kanilang bitterness sa isa’t isa.

In fact, nag-react din si Piolo tungkol sa nababalitang bagong boyfriend ni KC na si Ali Borromeo, miyembro ng Azkals. Malayang binanggit ni KC sa isang panayam na nakikipag-date siya sa machong athlete.

Human-Interest

ALAMIN: Ang 2025 sa ilalim ng Year of the Wooden Snake

“I’m happy for her, I always want the best for her,” sabi ni Piolo.

Contrary to Piolo na tahimik at sinasabing ‘single’ pa rin hanggang sa ngayon.

“Bakit, may problema ba tayo doon? “ reaksiyon niya sa pagiging loveless. ‘Yang mga ganyan hindi hinihintay, kusang dumadating naman ‘yan, eh.”

Kasalukuyang busy si Papa P. sa pelikulang ginagawa nila ni Dawn Zulueta at ni Coleen Garcia under Star Cinema.

(ADOR SALUTA)