Patay ang dalawang mangingisda habang siyam na iba pa ang nasugatan makaraang sumabog ang isang dinamita sa Jolo, Sulu, kahapon.

Batay sa imbestigasyon ng Jolo Municipal Police, nangyari ang pagsabog dakong 8:30 ng umaga sa bahay ng Badjao na mangingisda na si Abduhari sa Sitio Lungan Gihtong, Barangay Bus-bus, Jolo.

Kabilang si Abduhari sa mga nasawi sa pagsabog, samantalang ang siyam niyang kasamahan ay sugatang isinugod sa Sulu Provincial Hospital.

Ayon sa report, naghahanda ang mga biktima ng kagamitan sa pangingisda nang biglang kinuha ng isa nilang kasamahan ang isang dinamita at pabirong sinindihan, pero ilang segundo lang ay sumabog na ito. (Fer Taboy)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol