AS of Tuesday evening, wala pa ring ipino-post sina John Prats at Isabel Oli na photos ng kanilang baby girl na isinilang last Monday. Pati nga si Angelica Panganiban na best friend ni John, hindi isinama sa ipinost na picture sa Instagram (IG) ang baby nina John at Isabel.

Mas lalo tuloy excited ang fans nina John at Isabel na makita na ang kanilang baby. Ang nakita pa lang nila ay ang mahaba nitong paa. Nakatatawa ang reaction ng fans na mukhang matangkad daw ang baby at hindi nagmana kay John.

Lily Feather Prats ang ipinangalanan nina John at Isabel sa kanilang baby na ipinanganak sa St. Luke’s Medical Center Global City.

Samantala, isa sa mga ninang ni Lily Feather si Angelica na napakaganda ng message sa best friend niyang si John.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Yesterday my Pettybes became a Dad pinilit ko siya na post ko ito. At crop ko inaanak ko... Hindi kasi matatawaran ‘yung itsura mo. Ang perfect. Ang solemn (wow) ang kumpleto... Sa kahit anong jokes namin never ka ngumiti ng ganyan. Sa wedding mo, napakasaya mo. Pero ang dami mong inaalala. Ngayon... Kayong tatlo lang ni Liv... ‘Yung 9 months na struggle at pagtitiyaga ninyo, ang binigay sa inyo, healthy baby and normal delivery. Saludo ako sa ‘yo daddy pets lalo na kay Mommy Liv. Excited na ko kargahin si @featherprats... with so much love kay ninang/nanaypet. Mahal ko kayong tatlo.” (Nitz Miralles)