SARAH AT EJAY copy

MAGTATAMBAL sa unang pagkakataon sina Sarah Lahbati at Ejay Falcon sa Maalaala Mo Kaya bukas (Sabado, April 23) para ibahagi ang isang kuwento ng pag-ibig at pagkakaibigan.

Simula pa lamang nang magkakilala sa kolehiyo, tila itinadhana na sa isa’t isa sina Mia (Sarah) at NJ (Ejay). Naging masaya ang unang taon ng kanilang samahan, ngunit sinubok ito nang pumanaw ang ama ni Mia at nang operahan sa likod si NJ.

Kahit na nalampasan nila ang malalaking hamong ito, nagsimula rin ang sunud-sunod at madalas na pag-aaway ng dalawa, hanggang sa nauwi ang relasyon sa mapait na hiwalayan.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Matagal silang nawalay sa isa’t isa at isang araw ay nagdesisyon na magkita. Kaya bang kalimutan nina Mia at NJ ang sakit na naidulot nila sa isa’t isa para maalala ang mas masasayang alaaala ng kanilang nakaraan?

Makakasama nina Ejay at Sarah sa upcoming episode ng MMK sina Dante Ponce, Jobelle Salvador, Shey Bustamante, Alexis Navarro, Margo Midwinter, Noemi Oineza, Guji Lorenzana, at Karen Timbol. Ang episode ay mula sa panulat ni Joan Habana at sa direksiyon ni Giselle Andres. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.