Asahan ang matinding trapik dahil sa road re-blocking at repair ng Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Dakong 10:00 ngayong gabi (Abril 22), isasara ang southbound ng Commonwealth Avenue mula Riverside hanggang sa kabila ng Sandigan, 2nd lane mula sa center island; A. Bonifacio, sa tabi ng North Cemetery malapit sa Calavite St., 3rd lane; Quirino Highway sa harapan ng Mercury Drug malapit sa Fatima Gate, 2nd lane; C.P. Garcia St, sa pagitan ng HR Ocampo at Katipunan Avenue, 2nd lane mula sidewalk; northbound ng Commonwealth Avenue mula Ever Gotesco Mall hanggang Sandigan, 2nd lane mula center island; at Congressional Extension, Luzon Avenue hanggang Tandang Sora Avenue.

Matatapos ito sa Lunes (Abril 25) dakong 5:00 ng madaling araw. (Bella Gamotea)

Teleserye

'Paki-cancel po ang swimming!'Harutan nina Kyle, Daniela sa ilog, usap-usapan