Isang mag-asawa ang pinatay makaraang pagbabarilin at saksakin ng mga hindi nakilalang suspek sa Toledo, Cebu, kahapon ng madaling araw.

Nabatid sa imbestigasyon ng Toledo Municipal Police na nangyari ang krimen sa Purok 3, Barangay Luay sa Toledo, Cebu.

Kinilala ang mga biktima na sina Juanito Sepayla, 66; at Margarita Sepayla, 68, na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay PO3 Carlos Barnado, natuklasan ng kapitbahay na si Josephine Bacus ang krimen matapos matagpuan ang mag-asawa na maraming saksak at tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Naniniwala ang pulisya na pagnanakaw ang motibo ng mga suspek dahil nagkalat ang mga gamit at nawawala ang pera, mga alahas, at mahahalagang dokumento ng mga biktima.

Narekober pa sa pinangyarihan ng krimen ang isang .38 caliber revolver at dalawang patalim na pawang ginamit sa krimen. (Fer Taboy)