Aabot sa 1,000 volunteer ang ipinakalat ng pamahalaang lungsod ng Makati upang maglinis at magbantay sa magkakalat ng basura sa siyudad.

Unang ipinamahagi ni Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña, Jr., sa volunteers ang armas ng mga ito sa paglilinis, gaya ng mga bagong kariton, walis, at dustpan, kasabay ng deployment ng mga ito ngayong Linggo.

Tungkulin ng volunteers na linisin ang bawat kalye sa Makati, kabilang ang pangongolekta ng basura.

Nabatid na 24/7 ang trabaho ng volunteers na hahatiin sa tatlong shift para mahigpit na bantayan ang mga nagtatapon at nagkakalat ng basura sa lungsod.

Eleksyon

Vendor, kakandidatong senador; nanawagan ng tulong para sa anak na may rare disease

Ang hakbanging ito ni Peña ay bunsod ng umano’y pananabotahe ng mga katunggali nito sa pulitika na sadyang nagkakalat sa siyudad para sabihing marumi at mabaho ang Makati.

Panawagan ng alkalde sa mga taga-lungsod na agad isuplong sa kanyang tanggapan at saawtoridad ang sinumang mahuhuling nagkakalat ng basura. (Bella Gamotea)