Nakatakdang idaos sa susunod na buwan ang ikalimang edisyon ng Shakey’s V League Summer Camp sa Ateneo de Manila Grade School Covered Court sa Quezon City.

Ang camp na para sa mga kabataang babae na nasa edad 9 hanggang 16 ay pangangasiwaan ng mga trainer at coach ng V- League. Magsisimula ang camp sa Mayo 16.

Kasalukuyang nagaganap ang rehistrasyon sa mga itinalagang Shakey’s restaurants sa Metro Manila.

Lahat ng mga kalahok ay may tsansang makalaro ang mga paborito nilang Shakey’s V-League stars at isa na rito si Alyssa Valdez.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Magkakaroon ng 10 session ang camp na magaganap sa Mayo 16 hanggang 20 para sa Module 1 at sa Mayo 23 hanggang 27 para sa Module 2.

Para sa lahat ng mga interesado, maaaring magparehistro sa MG’s sumusunod na Shakey’s outlet: Lourdes, Makati Avenue, Valero, Magallanes, MCS Pasong Tamo, Glorietta, Marcos Highway, Shaw 500, Mandaluyong Circle, Robinson’s Pioneer, Market Market, Greenhills, SM City Sta.Mesa, Shell C-5. SM City North EDSA, Matalino Q.C., Quezon Avenue, Buendia, SM Fairview, Pearl Drive, Congressional, Tomas Morato at Eton Centris. (Marivic Awitan)