Dalawang katao, kabilang ang isang pulis, ang nasawi habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos na ang sinasakyan nila ay bumangga at bumulusok sa bangin sa Sibonga, Cebu, iniulat kahapon.

Ayon sa report ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) kinilala ang mga namatay na sina PO1 Anthony Heridia, 31, operatiba ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Regional Public Safety Batallion (RPSB)-Region 7, at taga-Dalaguete, Cebu; at Dexter Cabi, 26 anyos.

Nasugatan naman sina Shiela Mae Lutac, 24; at Kitchie Salado, 32, kapwa naninirahan sa Cebu City.

Batay sa imbestigasyon, bumangga ang Toyota Innova na sinasakyan ng mga biktima sa railings ng isang pampublikong palikuran hanggang sa mahulog ito sa bangin sa national highway sa Barangay Candagit sa Sibonga. (Fer Taboy)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol