Patay ang isang mag-asawa makaraang manlaban sa pulisya habang isa ang nadakip sa buy-bust operation sa Koronadal City, South Cotabato, inihayag ng pulisya kahapon.

Ayon kay Police Supt. Barney Condes, hepe ng Koronadal City Police Office (KCPO), nangyari ang insidente dakong 4:20 ng hapon nitong Martes sa Park Ferry, Barangay Namnama, Koronadal City.

Tinamaan ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mag-asawang Jeffrey at Bailyn Dalamban, kapwa 30 anyos.

Hindi naman kinilala pulisya ang nadakip, na iniimbestigahan na sa kaso.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nauna rito, nasukol ng pulisya ang mag-asawa sa isang abandonadong kubo na ginawang safehouse ng mga ito, ngunit nanlaban ang dalawa nang aarestuhin.

Narekober mula sa mag-asawa ang dalawang .38 caliber revolver, shabu, at drug paraphernalia.

Nabatid sa pulisya na wanted ang grupo ni Jeffrey sa panghoholdap, carnapping, at pagbebenta ng ilegal na droga. (Fer Taboy)