FEELINGERA ang tawag ng mga taong nakapaligid sa dalagang aktres na ito dahil halos lahat na lang daw ng actor, kahit nakatsikahan lang naman, ay kini-claim niyang nanliligaw sa kanya.

Tsika ng ilang taong kakilala ng aktres, lihim din nilang pinagtatawanan ang pabagu-bagong kuwento ng dalaga. One time, puring-puri daw nito ang kilalang aktor na kini-claim naman niyang close friend lang daw niya.

Ilang beses inusisa ang aktres kung may relasyon na sila ng kilalang aktor pero wala raw, close friends lang daw sila. Pero nu’ng hindi na sila close, biglang inamin na hiwalay na raw sila. Ano ‘yun?

Ngayon, may bago na namang actor na friend ang aktres, close daw sila, at masaya siya.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

“Heto na naman si _____ (aktres), assuming na naman, bukas-makalawa, mapapaso na naman. Alam ba nu’ng aktor na close sila?” sabi ng sources.

Heto na, ‘yung sinasabi niyang aktor na close friend niya at masaya siya (meaning, pinopormahan siya) ay nakita naming may kaakbay na Chinese looking girl sa Robinson’s Magnolia noong Lunes ng gabi.

Anyway, wala kaming alam na show ngayon ng feelingerang aktres, kaya busy siya sa mga aktor na kino-close niya.

(Reggee Bonoan)