Jennylyn at Alden copy

NAGULAT kami na pawang positibo ang natanggap naming komento sa sinulat namin na si Jennylyn Mercado ang magiging leading lady ni Alden Richards sa Pinoy version ng koreanovelang My Love From The Stars sa GMA-7.

Ang buong akala kasi namin, maraming magre-react na hindi nila type si Jennylyn dahil nga si Maine Mendoza ang love team ni Alden.

In fairness, ilang beses ni-retweet ang artikulo at may mga nagsasabing, “Go, go Jen and Alden” at thumbs up naman ang iba pa.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

May nagsabi ring, “I’m sure may magrereklamo na naman nito.” May nagkomento rin ng, “Oh... I hope Maine gets it! Nothing against to Ms. Jen, she’s very good actress.”

Naisip marahil ng mga pumabor na kapag pinagsama sina Jennylyn at Alden ay makakatulong ang aktres sa binata in terms of acting lalo na kung comedy-drama.

Aminin natin na wala pang acting na ipinapakita si Maine dahil nakilala naman siya sa pagda-dubmash, at iyon ang forte niya. Hindi naman puwedeng ganu’n parati ang gawin ng dalaga sa serye.

Tila aminado naman ang fans din nina Alden at Maine na mas bagay nga sila sa kalyeserye, at sabi nga nila, “May movie naman po silang gagawin at show.”

At saka baka nga mas bagay kay Jennylyn ang karakter ng bidang babae sa My Love Form The Stars, ano sa tingin mo, Bossing DMB?

Hmmm, kung si Piolo Pascual ay pabata nang pabata ang mga nakakasama sa projects, tila magsisimula na rin si Jen na mas bata ang leading man niya. Mukhang bagay naman sila ni Alden. (REGGEE BONOAN)