Matapos ulanin ng batikos sa gitna ng kanyang pamamayagpag sa mga presidential survey, bumigay na rin si PDP Laban standard bearer, Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa hiling na mag-sorry ito dahil sa binitawang biro hinggil sa mapait na sinapit ng Australian missionary na si Jacquiline Hamill noong 1989.

“I apologize to the Filipino people for my recent remarks in a rally. There was no intention of disrespecting our women and those who have been victims of this horrible crime. Sometimes my mouth can get the better of me,” saad sa pahayag ni Duterte.

Umapela si Duterte sa mga botante na bigyan pa siya ng pagkakataon upang maging leader ng bansa kasabay ng pangako na bibigyan niya ng proteksiyon, hindi lang ang kababaihan, kundi maging ang kabataan at mga pamilya, laban sa krimen.

“I will do this even if I lose my life, my honor and even the presidency,” giit ng alkalde.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Naniniwala ang kampo ni Duterte sa sinseridad ng alkalde sa kanyang paghingi ng paumanhin.

“I hope he means it with all sincerity and not for any political gain,” pahayag ni Rep. Mark Enverga, tagapagsalita ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa Kamara.

Ayon naman kay Paquiz: “You are your thoughts and your thoughts become your words and your words manifest in your actions.”

Sinabi ni Duterte na dama niya ang dalamhati ng pamilya ng mga biktima ng karahasan at hindi ito basta malilimutan.

“This is why I am angry. I am angry because horrendous things like this continue to happen to our women and children all over our land. And sadly, government has failed to protect them.” (BEN ROSARIO)