Naitakda ng University of the Philippines ang one-game final kontra De La Salle matapos itala ang 2-1 panalo laban sa Ateneo sa UAAP Season 78 women’s football tournament nitong Sabado sa Moro Lorenzo Field.

Naitala ni sophomore BG Sta. Clara ang winning goal para sa Lady Maroons na naghatid sa kanila sa finals sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Tinapos ng Lady Maroons ang kanilang elimination round campaign na may 14 puntos.

Winakasan din ng nasabing panalo ang tatlong taong pagdomina ng dating kampeong Far Eastern University na mayroon lamang 8 puntos at isang larong nalalabi sa eliminations.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Sa isa pang laro, tinalo ng Lady Archers ang University of Santo Tomas Tigresses, 2-1 sa kanilang no-bearing match.

Dahil sa panalo, nagtapos ang La Salle na may 19 puntos.

Binuksan ni Sta. Clara ang nagpasimula ng scoring para sa Lady Maroons sa unang goal nito sa 46th minute.

(Marivic Awitan)