Naalarma ang United Nationalist Alliance sa survey methodology na ginagamit ng Social Weather Station (SWS) na madali umanong manipulahin upang paboran ang isang kandidato.

At dahil sa pagpupumilit sa paggamit ng kuwestiyonableng statistical methodology, inakusahan ni Mon Ilagan, tagapagsalita ng UNA, na nagagamit ang SWS sa propagandang pulitikal na nagdulot na ng pagkakahati-hati at bangayan ng mga botante.

“Apart from the convoluted surveys that are released weekly, the mobile survey is an extension of abuse and misuse of statistics. The results are never validated and are obviously designed to condition the mind of the voters. The fact that SWS has embraced an experimental method already says a lot about the intent to mislead and obscure the realities on the ground,” pahayag ni Ilagan.

Tinukoy ni Ilagan ang “mobile survey” na isinagawa ng SWS na gumagamit umano ng palpak na sistema, na ang sample size na 1,200 respondent ay binibigyan ng smart phone upang sumagot sa mga text prompt na may bahid ng pagkiling sa partikular na kandidato.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

“Mag-ingat po tayo sa mga lima-singkong naglalabasang survey, tulad nitong mobile survey ng SWS. Ang nakakabahala po, eh, pati po ‘yung mga kilalang survey firms ay nagpapagamit sa propaganda ng ilang pulitiko para ilihis ang katotohanan sa tunay na pulso ng taumbayan,” babala ni Ilagan, na dating dating mamamahayag.

(Anna Liza Villas-Alavaren)