OAKLAND, California (AP) — Naghahanda ang Golden State Warriors na wala ang premyadong playmaker na si Stephen Curry para sa Game Two ng playoff series kontra Houston.

May iniindang sakit sa napinsalang paa ang reigning MVP at para maiwasan ang paglala nito, pinayuhan siya ni coach Steve Kerr na magpahinga at huwag nang makilaro sa ensayo ng koponan para sa Game 2, Lunes ng gabi (Martes sa Manila).

“Oh, yeah, for sure,” pahayag ni Kerr.

“When Steph’s out, our guys understand that he’s not there to count on, so they have to execute. If they don’t, we’re just not going to score enough points.”

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Inilagay ni Kerr ang katayuan ni Curry sa alanganin at sa kabila ng pagpupursige nitong makalaro, mas makabubuti umano na magpahinga ito at hayaan ang mga kasangga ang lumaban sa Houston Rockets.

Nagwagi ang Warriors sa Game 1, 104-78, sa larong hindi tinapos ni curry dahil sa pangigirot ng paa.

“Steph is a warrior. If he can play, he’s definitely going to be out there,” pahayag ni center Festus Ezeli.

Sakaling hindi makalaro si Curry, si Shaun Livingston ang papalit sa kanyang posisyon. Kahit wala si curry, may kakayahan ang Warriors na manalo at napatunayan nila ito nang gapiin ang Houston noong Dec. 31 na wala ang kanilang superstar.