RIZAL, Nueva Ecija - Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 37-anyos na Indian na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin habang naniningil ng pautang sa Rizal-Bongabon provincial road sa Barangay San Sebastian sa bayang ito, noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng Rizal Police ang nasawi na si Vijay Kumar, may asawa, ng Bgy. Social sa Bongabon, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Leo Linsangan, dakong 11:30 ng umaga at naniningil ng pautang ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek, nilapitan si Kumar at pinagbabaril.

Walang nakuha mula sa perang koleksiyon ng biktima kaya inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol