TARLAC CITY - Isang dating guro sa pampublikong paaralan ang mahigpit ngayong pinaghahanap ng awtoridad matapos niyang tangayin ang dalawang mamahaling sasakyan at isangla ang mga ito sa casino.

Sa ulat ni PO3 Benedict Soluta kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, ang pinaghahanap ay si Christopher Eugenio, alyas Topey, 40, ng Barangay Villa Aglipay, San Jose, Tarlac.

Napag-alaman na magkasosyo sa networking business si Eugenio at si Angelito Sotto Magat, 51, na nagtiwalang ipinahiram ang kanyang bagong Mitsubishi Montero, na nagkakahalaga ng P1,238,000, sa suspek.

Sinasabing isinangla ng suspek ang Montero sa isang Mam Juvy, financer sa Casino Clark sa Pampanga, sa halagang P250,000 na may dalawang porsiyentong interest bawat araw sa loob ng 10 araw, at karagdagang 10% bawat buwan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Samantala, isa namang Lovejoy Gualberto, 42, may asawa, empleyado, ng Bgy. Aguso, Tarlac City, ang biniktima at isinangla naman ng suspek ang Isuzu Sportivo ng P250,000. (Leandro Alborote)