luis at angel copy

SA Huwebes, Abril 21 pa ang kaarawan ni Luis Manzano pero binati na siya ng Pilipinas Got Talent judges noong Linggo kasabay na rin ng pagbibigay ng birthday cake ng staff ng programa.

Hiyawan ang lahat ng taong nasa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World nang batiin si Luis ng ex-girlfriend niyang si Angel Locsin habang tumutugtog sa background ang awiting Ikaw ni Yeng Constantino.

Nakangiting sabi ni Angel kay Luis na nakatingin din sa kanya, “Hi, ha-ha-ha... natatawa naman ako. I really do wish you the best of everything. Happy birthday.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang sagot ng binata, “Thank you very much. At eksakto kasi sa 23, si Angel naman ang may birthday.”

“Korek, magkasunod sila,” sabad naman ni Billy Crawford.

At dahil ang awitin ngang Ikaw ang tumutugtog sa background ay tinukso ni Billy si Luis ng, “Ang taray ng background, parang ikaw na raw ang beneficiary ng Pag-IBIG Fund,” na tinawanan lang din ng kaibigan niya.

Samantala, ayon sa mga nakakakita kina Luis at Angel sa likod ng camera kapag PGT ay namamasdan nilang nagbabatian ang dalawa bagamat hindi nga lang ganu’n ka-close, “they’re civil,” sabi sa amin.

Dahil nagbabatian nga, hindi sila tulad ng ibang ex-lovers na nagiging strangers o magkaaway. Puwedeng masabing magkaibigan sila, hindi pa nga lang close friends na matatawag.

Umaasa ang ibang fans ng dalawa na sana pagdating ng araw ay sila pa rin at may ilan namang nagsabing “wag na lang.”

Abangan na lang natin kung ano ang mga susunod na mangyayari. Pagkatapos ng PGT, baka ma-miss nila ang isa’t isa.

Samantala, trulili kaya ang nalaman namin na uumpisahan na ni Angel ang Darna project? Ito ang isa sa sinasabing dahilan ng break-up nila ni Luis na worried na baka lalong magpalubha sa sakit ni Angel sa kanyang spinal column.

(Editor’s note: May item recently si Jimi Escala na inaayos nina Luis at Angel ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Ano ang update, Jimi?) (REGGEE BONOAN)