Alex at Luis copy

PAGKATAPOS maging viral ang larawang nai-post sa social media nina Luis Manzano at Alex Gonzaga, na magkasamang nagdi-dinner, marami ang nag-speculate na baka raw si Alex ang ipinalit ng TV host/actor sa kay Angel Locsin.

Aminado si Luis na lumalabas o nagha-hangout sila ni Alex paminsan-minsan pero dahil parang kapatid na rin ang turing niya sa bunsong kapatid ni Toni Gonzaga. Remember, may panahon na naging “close” sina Luis at Toni.

Nagkatrabaho sina Luis at Alex sa isang reality show kaya’t naging kapalagayan na niya ng loob ang batang Gonzaga.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang rebelasyon pa ni Luis, hindi niya puwedeng ligawan si Alex dahil awkward ito sa paningin ng mga nakakaalam sa parang magkapatid nang turingan nila.

“Parang it’s very, very awkward especially na siguro na nanligaw ako kay Toni before. Kung sakali man, ano ang magiging feeling nila Tita Pinty at Tito Bonoy na parang iniisa-isa ko ‘yung mga anak nila, di ba?” may himig pagbibirong sabi ni Luis.

“Parang ang pangit naman. Porke’t ba nag-fail ako sa isa, dapat ako sa susunod?” sabi pang dinugtungan ng tawa. “I love Alex with all my heart and I will protect her as my younger sister for the rest of my life. Pinaka-mapi-feel ko sa kanya is siguro ‘yung utot,” sabay tawa.

For Luis, at sa kanyang next relationship -- if ever, wala pa siyang preference kung taga-showbiz o non-showbiz.

“It doesn’t matter. I don’t want to categorize. Ayokong gumawa ng selective na showbiz or non-showbiz. ‘Pag tinamaan ka tatamaan ka no matter ano pa’ng ginagawa sa buhay,” pahayag ng poging Family Feud host. (ADOR SALUTA)