HINDI na namin babanggitin ang pangalan, kaya blind item na lang, kung sino ang aktres na ito na gustung-gustong matuloy ang bago niyang teleserye. Kapag pinangalanan namin siya, matutukoy din kasi ang network na pinagtatrabahuhan niya.

Dumating kasi sa punto na siya pa ang magbabayad para sa rights ng isang kantang gagamitin bilang soundtrack sa programa.

“Hindi maumpisahan ang serye ni _____ (aktres) kasi ‘yung kantang gusto niyang maging soundtrack sa show niya, ayaw magbayad ng network, ‘yung rights ayaw bayaran, ibang kanta na lang daw gamitin, ‘yung libre,” kuwento sa amin ng network insider.

“Eh, ayaw naman ni ____ (aktres), kasi ‘yung napili niya ang bagay sa show niya kaya willing siya na siya na lang ang magbayad ng rights ng song, P60k din, Hayun, nagbigay na yata, pero ewan ko kung ano pa isyu ng management.”

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

Sobra-sobrang pagtitipid daw ang ginagawa ng naturang TV network ngayon. Sa katunayan, ‘binabaril’ daw lahat ng out-of-town locations na kailangan sa show. Ang gusto ng management, dayain na lang ang lahat ng eksena na kunwari ay nasa labas ng Maynila.

“Iko-chroma na lang lahat, puwede ba ‘yun?” sabi ng source. “’Tapos gustong tapatan ‘yung kabilang istasyon, eh, ang lalaki ng shows nila, puro out of the country ang locations.”

Smile na lang ang isinagot naming, Bossing DMB. (Reggee Bonoan)

(Smile ka d’yan! –DMB)