Julia Montes and Sam Milby copy

UMABOT na sa sukdulan ang galit ni Kara (Julia Montes) sa kanyang kakambal na si Sara dahil sa pang-aagaw nito sa kanyang nobyong si Sebastian (Sam Milby) sa nangungunang Kapamilya teleserye sa hapon, ang Doble Kara.

Hindi na napigilan ni Kara ang kanyang sarili at nilabanan na ang kanyang kakambal nang mahuli niya ito sa akto na inaakit at nagnanakaw ng halik kay Sebastian. Nauwi sa pisikalan ang mainit na batuhan nila ng masasakit na salita at lalo pang uminit ang galit ng kambal sa isa’t isa.

Lubos ding naapektuhan si Sebastian sa away nina Kara at Sara at sinubukan niyang pag-ayusin ang dalawa pero galit pa rin ang namamayani sa puso nila at piniling huwag na lamang magkausap.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ngayong lalo pang lumalalim ang iringan ng kambal, tiyak na lalo nitong maaapektuhan ang kanilang pamilya. Paano poprotektahan ni Kara ang kanyang relasyon kay Sebastian? Magtagumpay ang masasamang balak ni Sara laban sa kakambal?

Huwag palampasin ang kuwento na magpapadama ng tunay na pagmamahal, Doble Kara, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaari ring panoorin ang past episodes ng serye sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.