GINA AT MAINE copy

MUKHANG tuluy-tuloy na sa acting si Maine Mendoza dahil may workshop na siya under Gina Alajar. In fact, si Direk Gina ang nagbalita tungkol dito nang i-post ang picture nilang magkasama na ang caption ay, “My student for today... Such a sweet girl.”

Ikinatuwa ng fans ni Maine at ng Aldub Nation na si Direk Gina ang magwu-workshop kay Maine, she’s in good hands daw at marami siyang matututuhan sa award-winning actress/director.

Paghahanda na yata ni Maine ang workshop sa gagawin nilang projrct ni Alden Richards na hindi pa malinaw kung pelikula o TV show. Ang sabi ng dalawa, may big surprise sila sa Aldub Nation sa anniversary nila sa July 16.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nauna nang napabalita na gagawa ng pelikula sina Alden at Maine under APT Entertainment at baka co-prouded ng GMA Films. Ang una ngang narinig namin, this April sila magsu-shooting, pero mukhang mauurong ang pagsisimula nila sa kanilang movie project dahil nagwu-workshop pa nga lang si Maine.

Ang teleserye ng AlDub ay mukhang malabo pa dahil hindi pa natin nabalitaang ipahihiram ng TAPE Inc. si Maine sa GMA-7. Bago kasi sila magsama sa TV show, kailangang may blessings muna ni Mr. Tony Tuviera. (NITZ MIRALLES)