Inilunsad ng Philippine Embassy sa Riyadh ang programang “Dear Embassy” bilang bahagi ng Voter’s Education and Rights (VOTERS) initiative nito.

Ayon kay Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ezzedin Tago, ang mga Pilipino na nais bumoto ay hinihikayat na lumiham sa Embahada, na susulat naman sa employer ng mga ito upang ipaliwanag ang kahalagahan na sila ay makaboto.

Maaaring mag-email sa [email protected], ilagay sa subject ang “Dear Embassy” at ibigay ang mga sumusunod na impormasyon: pangalan ng manager at kumpanya, fax number, email address, napiling petsa ng pagboto, tinatayang bilang ng boboto, pangalan ng empleyado na humihiling ng request at numero ng telepono o mobile number.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iskedyul at venue ng pagboto, bumisita sa http://riyadhpe.dfa.gov.ph/newsroom/press-releases/2527-pr-058-2016. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne